Lunes, Disyembre 12, 2016

Tinuruan niya ako.

Isang gabi, nakatambay ako sa labas ng 7/11, hinihintay ko yung kasama kong kakain ng lugaw. may isang batang babae ang lumapit sa akin.
"Ate, bili ka na ng pastilyas"
"magkano isang balot?"
"20 po."
"Sige, pabili ako."
Kahit namamahalan ako, bumili parin ako.
Pinagmasdan ko ang btang babae. Medyong marungis ang damit, kayumanggi at kulot ang buhok. Ang kanyang suot ay kamisetang puti at maikling short. Napaisip ako, hndi kaya siya nilalamig? Naulan pa man in at ako nga kahit nakajacket na nilalamig pa rin.
May lumapit pang 2 batang lalaki at may dalang plastik ng yelo na may lamang mga barya. Ah, siguro isa sila sa mga batang nangangaruling sa mga sasakyan. At dahil medyo nacurios ako sa kanila, ininterview ko mna sila habang naghihintay sa kasama ko.
Grade 6 na pala siya samantalang yung isang batang lalaki na kasama niya ay Grade 1. Siyam silang magkakapatid, panlima siya, yung isang ate niya ay naglalako rin ng pastilyas. Pangarap daw niyang maging isang pulis pero sabi ko dapat ay magpatangkad muna siya. Tumawa siya at tumawa rin ako.
Tinanong ko siya kung bakit siya nagtitinda at nangangaruling. Ang sabi niya para raw yun sa ambagan sa Christmas Party, 150 daw yung sa kanyang at 103 sa kanyang kapatid. Tinanong ko siya kung nasaan ang kanilang mga magulang. Wala raw trabaho ang kanyang nanay samantalang hindi na niya nasabi ang trabaho ng kanyang tatay dahil biglang dumating ang kasama ko.
Sa maikling oras na kausap ko siya may mga bagay akong napagtantu.
Naalala ko noong bata pa ako, lagi akong naiinggit sa mga kaklase ko sa tuwing may bago silang gamit o damit. Tuwing Christmas party, never kong naranasang magbaon ng pagkain na galing sa Jollibee. Tanging pagkain ko lang ay spaghetti na naglalangoy sa ketchup at may kaonting cornbeef. May kasama ring sandwich na ang palamanan ay Cheez Whiz unlike sa iba na hamburger. Ang inumin ay Zest-O o C2 kung sinuswerte. Sobrang inggit ako sa kanila. Pag pasukan, pinipilit ko sina nanay na ibili ako ng bag na de gulong at mga notebook na ang cover ay mga cartoon character at ang kulay ng papel ay mapuputi hindi brown. Sobrang inggit ko sa iba. Never din akong nagkaroon ng magagarang laruan like barbie doll, ang mayroon lang ako ay teks, holen, tao-tauhan at Yu-Gi-Oh. Gusto ko rin noong yung sapatos na may gulong kasi ang ganda-ganda pero never akong binili nina nanay nun. Sa musmus kong pag-iisip, agad tumatak sa aking isipan ang salitang "MALAS". Hindi ako maswerte dahil wala sa aking ang mga bagay na gusto ko. Hindi ko nakakain ang mga pagkain na gusto kong makain.
Pero sa maikling oras na pakikipag-usap ko sa batang babae doon ako natauhan at nalinawan. Hindi ako malas. Maswerte ako. Soooooooobrang swerte ko.  Hindi ko kailangang maglako ng pastilyas o ng kahit ano para lang kumita ng perang pambili ng panregalo, damit o pagkain. Hindi ko na kailangang magmakaawa sa ibang tao ng pera para lang may pambaon. Maswerte ako dahil taon-taon bago ang mga gamit ko sa paaralan. Hindi ko kailangang gamitin ang mga pinaglumaang notebook o bag. Maswerte ako dahil may oras pa ako para maglaro. Maswerte ako dahil hindi ako nahirapan noon hindi katulad ng batang babae. At higit sa lahat maswerte ako dahil may magulang akong handang ibigay ang mga bagay na kailangan ko.
Sa maikling usapan namin doon niya ipinamuka sa aking ang salitang KONTENTO. Oo, guro ako pero tinuruan ako ng isang batang babae kung paano maging kontento sa kung anong mayroon ako. Tinuruan niya akong i-appreciate ang mga bagay na mayroon ako. 
Salamat sa'yo, sana matupad ang pangarap mong maging pulis.
 ðŸ˜Š





1 komento: